
First gig, boy was that a flop!!!!!!!!!!!!!!!!. Wala kaming
preparation, wala si Kuback, dalawa pa lang kami ni Pat non sa Assumption
fair. Pagdating ni Ali at Carlo nagulat sila na tutugtog kami. Si Ali ang
nagbass. Boy walang kwenta. Hanggang sa pag uwi ko yun ang iniisip ko.
Buti na lang nandon Crippledust para mag cheer up sa amin. This incident
made us look for more gigs para makabawi sa flop na yun. Biro mo mga bigating
banda nandon tapos kami crap wow!!!!!!!! Pero ok lang yon. Dahil don lalo
kaming nag sikap at sa wakas sumali na si Ali bilang guitar 2. Bale vocalist
na lang si Carlo ngayon. Kung seswertehin ay guitar 3 hehehehehe. Sinubukan
namin ma-auditions sa miriam. Kasama namin Crippledust. Man flop din!!!!
dehins kami natanggap, lumipad yung cymabal sa akin, nasira ang amp ni
Pat, SA PARTE PA NG SOLO NIYA SAKTO!!!!!!!!!, mahina ang bass, pati Crippledust
hindi natanggap!!!!!! Galit na galit si master Ygy( the master of all drummers).
Pero ok lang. Dahil don nakilala namin ang TskAtsk. Una naming nakilala
si Mike dahil sa icq.
Next gig was in our home school, LSGH. Boy flop din. Nakakabwisit
yung mga taong pumipigil sa moshpit. Pero ganon pa man malaki pa rin ang
tiwala sa amin ni Dennis Guillermo(LOCO CREW). Dun namin siya unang nakausap
bilang magkakilala. Masama ang loob namin dahil home school na yon wala
pa rin. Wow!!!! sa totoo lang give up na ako. Parang ayaw ko na pero dahil
kay Mike ng TskATsk nagkaroon kami ng gig sa Holy Spirit. Ok lang ang labas
pero wala si Ali dahil may emergency sa kanila. Dun naman namin unang nakausap
ng matino sila Vince. Mabait sila pare!!! Dahil ok ang kinalabasan maganda
ang tulog namin. Pinakain pa kami ni daddy sa carinderia sa tabi tabi.
Madaling araw na yon kaya wala ng tao. Maganda naman ang tulog namin.
Next morning gumising ako para mag chat. Nakita ako ni
Dennis at niyaya kami sa Unsedated party ng LSGH. Ok din!!!! pare sobrang
OK. Maganda gamit, malamig, daming inom, nalaglag pa ako sa inuupuan ko
habang nagdadrums heheheheh!!!!!! pero ok lang. Isa na yon sa magagandang
gigs namin. Masaya pa. Nakita namin dun ang Flying Ipis. Magaling sila.
Pati LOCO CREW dun ko unang nakita tumugtog. Magaling din sila.
Carlo!!!!!!. At yan na yung mga times na na-introduce
kami sa mga gig at serious band life. Naiba ang tinutugtog namin. Naging
Wolfgang dahil sa impluwensiya ni Pat. Itong mga panahon na ito si Ali
ay nagbabalak na sumali kaya lang alanganin siya dahil sa cubao siya nakatira.