pArT 3 of HiSToRy


 
 

Next ay sumubok kami sa Ateneo. Pare Ateneo!!! kinabahan ako pare dahil Ateneo at mga Lasalista kami. Alam ko nang malabo ang chance namin maka pasok sa gig na yon. Una naming tinugtog yung Prettyfly at Aching tree ng Wolfgang sa harap ng audience. Nalaman na lang namin na.........NATANGGAP KAMI!!!!!!!!!!! yun lang ay masaya na kami dahil kami na naman ang pinakabatang band na kasali sa battle nila. Alam naming hindi kami mananalo kaya tumugtog na lang kami para masaya. At masaya kami dahil nanalo Crippledust(yehey mga ate!!!!!!). Buti pa Ateneo, kahit lasalista kami ay pinatugtog kami, bakit sa aming sariling school tinatakwil kami?!?!?!?
 

Next gig namin ay kay Mr. Aleta, The band master of LSGH. Hindi naman namin masyado sineryoso yon dahil tugtugan lang yon sa hapon. Hindi kami nasali sa Variety show ng kabihasnan dahil masyado daw kaming heavy. Masama ang loob namin pero buti na lang at hindi kami tumugtog. Dahil as usual walang kwenta yung crowd nung gabi. hahahaa swerte namin. Dun namin nakilala ang Nephilim. Hindi sila tulad nung mga banda na kilala namin before. Bakit nga ba?!?!?!?! ang alam ko ay dahil tumilapon n\yung silya sa isang kabanda nila. Gago kasi si Carlo. Sabi pa niya "SABI KASI NI MR. ALETA BIGAY TODO!!!!!!!!!!" nasipa tuloy niya at tumilapon. Nag sorry naman siya pero hanggang ngayon mukhang dinadamdam pa rin nila. "SORRY ULIT" sabi ni Carlo. Siguro talagang galit lang sila sa mga hardcore bands. Gusto nila kasi yung mga malulupit na solo. Naiintindihan namin sila dahil maski kami ay hinahanap namin yung mga dating tugtugan na ganon. Pero wag nila sana ibuhos ang galit nila sa amin. Hehehe PEACE MGA SCHOOLMATES!!!!

Next gig was Poveda. Dun naman namin nakasama ng matino ang TskATsk. Nagjam pa nga kami. Kaming dalawang banda ang nagsupportahan hehehe. Astig naman din yung gig. Kasama na yon sa mga magagandang gig namin.

Sa ngayon wala pa kaming gig. Tag tuyo nga eh. Tinatapos na lang muna namin ito para masaya. Don't worry pag may bagong masusulat, ilalagay namin kaagad. Salamat sa matiyagang pag basa!